MANILA, Philippines - Grabe na umano ang ginagawang panghihimasok ng China sa Pilipinas matapos ang tuluy-tuloy na pagdagsa ng mga Chinese military at paramilitary ships sa pinag-aagawang teritoryo sa West Pilippine Sea (WPS).
Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, nangangamba siya sa aniya’y pagtaas ng “militarisasyon†sa WPS o South China Sea dahil sa patuloy na pagdating at presensya ng mga barkong pandigma ng China sa Scarborough Shoal at paligid ng Ayungin Shoal na nasa “integral part†ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay del Rosario, ang presensya ng mga barkong pandigma at mga sundalo ng China sa WPS ay malaking banta sa seguridad ng Pilipinas sa kabila ng pagsusumikap nito na mapanatili ang “maritime peace at stability†sa nasabing rehiyon.
Sa kanyang pananalita sa ika-46 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ministerial MeeÂting, iginiit ni del Rosario sa mga lider ng iba’t ibang bansa na kasapi ng ASEAN na ang pagsawata sa anumang probokasyon o aksyon sa WPS tulad ng mga warships ng China ay patuloy na nagiging serÂyosong hamon para sa buong rehiyon.