SB, Bistek, Joy B atbp. manunumpa ngayon

MANILA, Philippines - Manunumpa na sa  kanilang tungkulin  ngayong umaga ang mga nanalong kandidato sa QC sa  pangu­nguna ni  reelected 4th district Congressman Feliciano “SB”Belmonte, QC  Mayor Herbert M. Bautista, Vice-Mayor Joy Belmonte  sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle (QMC) sa QC.

 Alas-10:00 ng umaga ay  haharap ang naturang mga opisyal kay   Associate Justice Ma. Elisa Sempio Dy ng Court of Appeals bilang inducting officer  sa gagawing  inaugural rites.

Manunumpa din sa tungkulin ang mga nanalong QC congressional representatives na sina newly-elected congressman Francisco “Boy” Calalay Jr. ng District 1; re-elected congressmen Winston Castelo ng District 2 at Jorge “Bolet” Banal Jr. ng District 3; newly-elected congressmen Alfred Vargas ng  District  5 at Christopher “Kit” Belmonte ng  District 4 at mga nanalong konsehal.

Show comments