MANILA, Philippines - Nadakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong katao kabilang ang dalawang banyagang estudÂyante sa isang entrapment opeÂration sa Dasmariñas City, Cavite kamakailan.
Ang mga nahuling susÂpek ay kinilalang sina Vire Solomon, 19; Gibson Tari, 25, kapwa dayuhan at mga estudyante mula Republic of Vanuatu, isang isla na maÂtatagpuan sa South Pacific Ocean na pansamantalang nanunuluyan sa Barangay Langkaan, Dasmariñas City, Cavite at Eduardo Gocotano Jr., alias Kaloy, 28 ng Block 29-B, Lot 5, CHRV ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, noong Huwebes ng madaling-araw sa kahabaan ng Congressional Avenue, Pasong Lawin, Dasmariñas City, Cavite nang isagawa ang entrapment opeÂration at dito ay nakumpiska sa mga suspek ang isang brick na tuyong dahon ng marijuana, 12 plastic sachets na may lamang marijuana, isang botelya ng hinihinaÂlang Psilocybine, kilala rin sa tawag na Magic Mushroom, isang mapaÂnganib na droga at isang smoking pipe.