MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 40-anyos na guwardiya matapos na hatawin ito ng bareta de kabra sa ulo ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Rene Refil, ng Purok 4, Dulo Alabang, Muntinlupa City.
Batay sa ulat, pasaÂdo alas-6:00 ng umaga sa harap ng DIY Warehouse BuilÂding sa kahabaan ng DasÂmariñas kanto ng Burke Sts., Binondo, Maynila nang maÂkarinig ang isang sekyu na si Alwin Abong ng malakas na sigaw ng bikÂtiÂma.
Agad na tinungo ni Abong ang pinagmulan ng sigaw at pagbukas ng gate ay nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt na umano ay mukhang bangag sa alak na nakatayo sa harap ng biktima na nakalugmok na sa semento.
Binulyawan ni Abong ang suspek na agad tumaÂkas.
Hindi pa batid ng pulisÂya kung ano ang motibo ng pagpatay.