MANILA, Philippines - Dalawang pulis-Las Piñas City ang iimbestiÂgaÂhan dahil sa umaÂno’y ginawa nitong pagpapaÂtakas sa isang suspek na sangkot sa isang traffic incident at sumampal sa isang negosyante na nakagitÂgitan nito kamaÂkaÂilan.
Ayon kay National CaÂpital Regional Police Office (NCRPO) spokesÂperson Chief Insp. KimÂberly Molitas na pinaÂimÂbesÂtiÂgahan na ni NCRÂPO chief, Director Leonardo Espina sa kanilang InvesÂtigation Division ang rekÂlamo ng biktima na naÂkilalang si Narciso “Jun†Diokno laban kina PO2 Manaoag at PO2 Aclo, kapwa nakatalaga umano sa Las Piñas ComÂmunity Precinct 7 at inaaÂsahang matatapos ang pagsisiyasat sa loob ng 30 araw.
Sa salaysay ni Diokno, lulan siya kanyang puting kotseng Mazda noong Hunyo 12 at nagitgit ng isang gray na Toyota InnoÂva sa may Alabang-Zapote Road.
Galit na lumabas ng sasakyan ang tsuper at ipinagwagwagan ang kanyang tsapa ngunit hindi ito hinarap ni Diokno dahil sa naÂkaÂramdam siya ng paÂngaÂnib kaya idiniretso ang kanyang sasakyan hangÂgang gate ng BF Homes Subdivision kung saan niya hinarap ang galit na lalaki ngunit sinampal umano siya ng tsapa nito.
Tumawag naman ng responde ang mga guwarÂdiya ng subdibisyon at dumating sina PO2 MaÂnaoag at PO2 Aclo, subalit pinatakas umano ng dalaÂwa ang suspek habang si Diokno ay mag-isang dinala sa presinto at doon umano isinubo sa kanya na pirmahan ang “settlement†o aregluhan sa kaso laban sa dalawang pulis.
Inakala umano ni DiokÂno na maayos na ang guÂsot ngunit paglabas niya ng preÂsinto ay nagparinig pa umano ng pagbabanta ang dalawang pulis laban sa kanya.
Kaya’t inireklamo ni Diokono sa opisina ni EsÂpina ang dalawang pulis sa hindi pagsunod sa “standard operating procedure†na dalhin sa presinto ang dalawang panig na sangkot sa isang gusot trapiko, hindi pagÂkuha sa pangalan ng susÂpek at hindi pag-aksyon sa kawalang-plaka ng sasakyan ng nakagitgitan ng una.