MANILA, Philippines - Dalawang insidente nang panghahalay ang naganap sa magkahiwalay na lugar na kung saan isang 3-anyos na bata ang ginahasa ng 15-anyos sa bayan ng GeneÂral Nakar, Quezon habang isang 12-anyos ang ginahasa naman ng isang 59-anyos na lolo sa Caloocan City.
Batay sa ulat ng Quezon Police, pasado alas -6:00 ng umaga nang maaktuhan ng pamilya ang 15-anyos na suspek na itinago sa pangalang Francis, na hubo’t hubad at ginagahasa ang 3-anyos nilang anak na itinago sa pangalang Roxanne.
Agad na inereport ng pamilya ng biktima sa mga otoridad at inaresto ang binatilyo na dinala sa lokal na tanggapan ng Department of Social Welfare and Development.
Lumilitaw naman sa inisÂyal na imbestigasyon, na bago ang insidente ay madalas umanong makita ng kaniyang mga kalaro ang suspek na nagbabasa ng malalaswang babasahin.
Samantala, inaresto rin ng mga otoridad ang 59-anyos na lolong si Antonio Liquiran, ng Libis Gouitchico, Caloocan City matapos na gahasain dakong ala-1:00 ng madaling-araw ang 12-anyos na biktima na itinago sa Lily sa kanyang barung-barong.
Nabatid na nakatulog ang biktima sa isang nakaÂpaÂradang tricycle at nang makita siya ng suspek ay binuhat ito at dinala sa kanyang barung-barong at doon hinalay.
Nang makauwi ang bikÂtima ay dumaing na masakit ang ari at nang tignan ng ina ay nakitahan ng dugo na naging dahilan upang tanungin hangÂgang sa aminin na hinalay siya ng suspek.