Chiz pabor na i-regulate ang e-cigarette

MANILA, Philippines - Aprub kay Senator Fran­cis “Chiz” Escudero na kilalang naninigarilyo ang pag-regulate ng electronic cigarette na ipinagbabawal na rin sa ibang bansa tulad sa Singapore.

Sinabi ni Escudero, panahon na para tingnan ng Department of Health (DOH)  kung  anu-ano ang masamang idinudulot ng e-cigarette na kalimitang tinatangkilik ng mga nais makaiwas sa totoong sigarilyo na mayroong nicotine.

“Sa ilang bansa bansa pinagbabawal na yan, sa Sin­gapore alam ko bawal yan, in fact pag nahulihan ka kinokonsider nilang vio­lation ng ordinance,” ani Escudero. 

Una nang hiniling ng Phi­lippine Pediatric So­ciety (PPS) sa gobyerno na ipa­tigil ang paggamit ng e-cigarette  dahil hindi umano sakop ng Republic Act 9211 o ang Tobacco Regulations Act na kahit mga bata o menor-de-edad ay nakaka­bili at naka­ka­ga­mit.

Show comments