Matapos gulpihin… Misis pinalaklak ng asido ni mister

MANILA, Philippines - Matapos na gulpi­hin ay puwersahang pi­nainom ng asido ng isang sadistang mister ang kanyang 34-anyos na misis sa gitna ng ma­initan nilang pagtatalo sa Baguio City kamakalawa.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa Baguio City Memorial Medical Center ay kini­lalang si Hendralyn  Valdez, sales supervisor at residente ng No.55  Lower Victoria Village ng lungsod.

Tumakas naman ang mister nitong si Salvador Valdez alyas Itong.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa personal na problema sa pagsasama.

Dito ay walang awang binugbog ng mister ang walang kalabanlaban ni­yang misis na halos hindi makagulapay sa insi­dente.

Habang nakagulapay ang misis ay kumuha ang suspek ng muriatic acid at puwersahang pinainom na nasaksihan ng kanilang dalagitang anak na si Hannyza Valdez na agad nagsuplong sa Police Station 1 ng Baguio City Po­­lice.

Hindi naabutan ng mga nagrespondeng pulis ang suspek at ka­nilang isinugod sa os­pi­tal ang ginang.

Show comments