Matapos gulpihin… Misis pinalaklak ng asido ni mister
MANILA, Philippines - Matapos na gulpiÂhin ay puwersahang piÂnainom ng asido ng isang sadistang mister ang kanyang 34-anyos na misis sa gitna ng maÂinitan nilang pagtatalo sa Baguio City kamakalawa.
Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa Baguio City Memorial Medical Center ay kiniÂlalang si Hendralyn Valdez, sales supervisor at residente ng No.55 Lower Victoria Village ng lungsod.
Tumakas naman ang mister nitong si Salvador Valdez alyas Itong.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa personal na problema sa pagsasama.
Dito ay walang awang binugbog ng mister ang walang kalabanlaban niÂyang misis na halos hindi makagulapay sa insiÂdente.
Habang nakagulapay ang misis ay kumuha ang suspek ng muriatic acid at puwersahang pinainom na nasaksihan ng kanilang dalagitang anak na si Hannyza Valdez na agad nagsuplong sa Police Station 1 ng Baguio City PoÂÂlice.
Hindi naabutan ng mga nagrespondeng pulis ang suspek at kaÂnilang isinugod sa osÂpiÂtal ang ginang.
- Latest