3 kelot itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng pulisya na kagagawan ng sindikato ng droga ang naganap na pagpatay sa tatlong kalalakihan kaÂbilang ang magkapatid sa magkahiwalay na insiÂdente ng paÂÂmamaril sa bayan ng Sto. Tomas, Pangasinan kaÂÂmaÂkalawa.
Sa ulat, bandang alas-4:30 ng hapon nang maganap ang unang insidente nang pagbabarilin ng motorcycle riding in tandem ang isang magkapatid sa Brgy. San Agustin ng baÂyang ito.
Namatay noon din ang magkapatid na sina Nelson at Darwin Taguinod sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay sumunod namang pinagbabaril ang isa pang biktima na si Tomas Marzan sa Brgy. La Luna ng nasabi ring bayan na siya nitong dagliang ikinamatay.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang posibilidad na may kinalaman sa illegal na droga ang motibo ng pamamaril sa mga biktima.
Magugunita na noong Hunyo 7 ay pitong kalalaÂkihan din ang minasaker makaraang ratratin sa Bugallon, Pangasinan na pinaniniwalaang may kinalaman sa illegal na transaksyon ng droga.
- Latest