Buntis ginahasa ng textmate

MANILA, Philippines -Hindi sukat akalain ng isang 6 buwang buntis na ginang na ang pagbibiro niya sa pakikipag-textmate sa isang barangay kagawad  ay mauuwi sa kapahamakan matapos na siya ay puntahan nito sa bahay at halayain naganap kamakalawa sa  bayan ng Ibajay, Aklan.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Cherry, 25-anyos, residente ng Brgy. Laguinbawa, Ibajay ng lalawigan.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Anthony Tejada, Kagawad sa Brgy. Polo ng nasabing bayan.

Batay sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 6 Director Chief Supt. Agri­mero Cruz Jr., bandang alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa bahay ng buntis na ginang matapos magtungo dito ang suspek na umano’y ka-textmate nito.

Nagkataong nag-iisa ang ginang at sa kabila ng buntis ay iginapos ang dalawang kamay nito ng suspek, binusalan ang bibig saka hinalay.

Naaktuhan naman ng mister ng ginang na si Carmelo Tanoan ang suspek habang hina­halay ang nakagapos nitong misis, su­balit na­gawang makatakbo ang suspek.

Humingi naman ng tulong sa pulisya ang mister at nasakote ang suspek sa isinagawang follow-up operations.

Nakatakdang isaila­lim sa eksaminasyong medikal ang ginang para sa kaukulang paggamot upang mapatunayan kung nagalaw  ito ng suspek.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nakatuwaan lamang umano ng ginang na makipag-text sa suspek na hindi nito sukat akalaing hahantong sa kaniyang kapahamakan.

Show comments