1 sundalo dedo, 5 sugatan sa landmine

MANILA, Philippines -Nasawi ang isang sundalo habang lima ang nasuga­tan makaraang masabugan ng landmine na itinanim ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nauwi sa engkuwentro sa Brgy. Lungib, Victoria, Northern Samar kahapon .

Tumanggi munang tukuyin ni Army’s 8th Infantry Division (ID) Spokesman Captain Amado Gutierrez, ang pangalang ng nasawi na may ranggong Private First Class. Habang ang limang nasugatan ay mabilis na isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Batay sa ulat, bandang alas-4:30 ng madaling-araw ay nagsasagawa ng security patrol operation ang isang platoon ng Army’s 20th Infantry Battalion sa liblib na bahagi ng Brgy. Lungib, Victoria nang sumabog ang landmine na agad ikinasawi ng isang sundalo.

Tumagal ng may 30 mi­nuto ang bakbakan hanggang sa magsitakas ang mga rebel­de.

Show comments