MANILA, Philippines -Binulabog ng bomb threat kahapon ng umaga ang Nangka EleÂmenÂtary School sa Brgy. Nangka, Marikina City kaya’t naÂkansela ang pang-umaÂgang klase matapos magsuguran ang mga magulang ng mga mag-aaral.
Sa pahayag ng school principal na si Marciana de Guzman, dakong alas-8:30 ng umaga isang babaeng nagpakilalang Mrs. Cruz ang nagpaabot sa school guard na si Benito Belicio na may bombang nakatanim sa school building at maaari itong sumabog anumang oras at nag-ikot din umano ang ginang sa barangay at ipinamalita ang bomb threat.
Kaagad na ipinag-utos ng principal sa mga guro na palabasin ng kani-kaÂnilang classroom ang mga bata at pinapunta sa coÂvered court.
Rumesponde ang mga tauhan ng Explosives and Ordinance Division (EOD) at Special WeaÂpon and Tactics (SWAT) ng Marikina City Police at matapos ang isang oras na pagsisiyasat ay idiÂnekÂlarang ligtas sa bomba ang paaralan.
Sa kabila nito ay sinuspinde na rin ng mga school officials ang pang-umagang klase at pinauwi na ang mga magulang at mga estudyante.