Jobless na mister nagbigti
MANILA, Philippines -Dahil sa hindi makaÂyang depresyon sa buhay minabuti ng isang jobless na mister ang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti kahapon ng madaling-araw sa kaÂniÂlang bahay sa QueÂzon City.
Natagpuan ang biktiÂma na si John Rafael Cabello, 26, ng kanyang kinakasama na nakabigti sa kisame at walang nang buhay ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.
Sa salaysay ng kinaÂkaÂsamang si Michelle Santiago, madalas umaÂnong nakakaranas ng depresyon ang biktima, dahil dati umano itong gumagamit ng iligal na droga o shabu.
Bago umano nangyari ang insidente sinundo pa ng biktima si Michelle sa tinuluyang bahay nito para muli silang magsama.
Sumama naman si Michelle hanggang pagsapit sa kanilang bahay ay nagpasya silang matulog.
Makalipas ang alas-4:30 ng madaling-araw, nang magising si Michelle para gumamit ng banyo ay nagulat na lang siya nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa kisame.
- Latest