Counter flow sa Edsa

MANILA, Philippines -  Upang mapabilis ang daloy ng trapiko sa EDSA tuwing “rush hour” ay posibleng ipa­tupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng “counter flow”.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino na kanila nang pinag-aaralan ito habang nagsasagawa rin ng konsultasyon nga­yon sa iba’t ibang sector kabilang ang mga administrador ng mga paaralan at mga mala­laking establisimiyento sa EDSA.

Sa kanilang pagmamasid, karaniwan umano sa umaga ang buhos ng mga sasakyan na galing sa Quezon City patungo sa Makati o pa-southbound habang maluwag naman ang north bound. 

Kabaligtaran naman ito kapag hapon kung saan mabigat ang sasakyan buhat sa Makati patungo naman ng Quezon City.

Posible umanong magpatupad sila ng “reversible lanes” o “counter-flow” sa umaga hanggang alas-10:00 ng umaga sa northbound at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi naman sa south bound.

Hihintayin pa naman ang rekomendasyon ng Metro Manila Council sa naturang panukala.

 

Show comments