Engineer binoga sa ulo
MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 51-anyos na laÂlaki matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa kilalang suspek habang naglalaro ng chess sa pamilihang bayan ng Pontevedra, Capiz kamakalawa.
Ang nasawi ay kinilalang si Juan Baclor, civil engineering graduate at residente ng Brgy. Tabuc na sumabog ang ulo nang masapol ng bala sa ulo.
Batay sa ulat, dakong alas-2:25 ng hapon habang ang biktima ay naglalaro ng chess sa nasabing palengke nang bigla na lamang lapitan ng isa sa dalawang suspek at tutukan ng baril sa ulo at binaril.
Duguang bumulagta ang biktima at parang walang anuman na nangyari ay kaswal na nagÂlakad lamang patakas ang suspek habang ang kasama nito ay nagsilbing lookout.
Ang gunman ay na nakasuot ng sunglass, kulay pulang jacket, 5’4†ang taas at katamtaman ang pangangatawan ay mabilis na tumakas lulan ng kulay asul na motorsiklo na nakaparada sa tabi ng palengke kasama ang backrider nito na nakasuot naman ng kulay puting t-shirt.
- Latest