MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang isang pulis matapos na ito ay pagbabarilin ng isang lalaki na kanyang kalugar kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Ang biktima na nasawi dahil sa dalawang tama sa dibdib ay nakilaÂlang si PO1 Mark Jonnel Susano, 25, nakatalaga sa National Capital Region Police Office at residente ng Bagumbong Dulo ng naturang lungsod.
Ang suspek na nakatakas ay kinilalang si Mark Anthony Ventura, 24, ng Natividad Subdivision, Bagumbong ng naturang lungsod.
Habang inaresto naman ng mga pulis ang mga kapatid ng suspek na sina Susan, 47; at BienÂvenido, 20 ng nasabing lugar nang pigilan ng mga ito ang mga pulis sa pag-aresto sa suspek.
Batay sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-11:30 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa Maranaw St., Bagumbong nang salubungin at pagbabarilin ng suspek.
Nang puntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek ay hindi ito binuksan nina Susan at Bienvenido na naging dahilan upang makatakas ang suspek.
Patuloy na iniimÂbestigahan ng pulisya ang insidente dahil ayaw makipagtulungan ng mga kapatid ng suspek na nakatakdang kasuhan ng obstruction of justice.