Clerk dinukot ng ASG

MANILA, Philippines - Dinukot ng apat na hinihinalang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang Clerk sa isang Pamantasan sa Barangay Kampo Islam, Zamboanga City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Police Regional Office 9, ang dinukot na biktima na si Alfrasid Rojas, 56, Clerk sa Islamic Studies Department sa Western Mindanao State University, sa Zamboanga City.

Ayon sa report, nangyari ang pagdukot sa labas ng bahay ng biktima sa Amping Drive Campo Islam, Zamboanga, ganap na alas-7:50 ng gabi.

Nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang makatanggap ito ng text messages sa kanyang cellphone na nagsasabing lumabas siya ng kanyang bahay.

Sumunod naman ang biktima at nang makita siya ng apat na armadong lalaki na nakasuot ng military uniform ay isa sa kanila ang sumigaw sa salitang Tausug na “Amo na yan” na ang kahulugan ay “siya na nga” at saka siya pinosasan. -

Show comments