Driver durog sa cement mixer truck

MANILA, Philippines - Durog ang katawan at agad na nasawi ang isang driver makaraang salpukin ng cement mixer truck ang sinasakyang kotse sa Makati City, kahapon ng mada­ling araw.

Gumamit pa ng mga espesyal na kagamitan ang mga tauhan ng Makati Rescue Team upang mahugot ang katawan ng biktimang si Alberto Sese, 58, residente ng #61-J Panday Pira St., Brgy West Rembo, buhat sa napitpit na Honda Civic na may plakang WRX-481.

Arestado naman ang driver ng cement mixer truck (WAP-481) na si Renato Pepe, 36, ng Noveleta, Cavite na nakatakdang sampahan ng kasong Homicide thru reckless imprudence at damage to property.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel Salvador ng Makati Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa kahabaan ng JP Rizal Street sa Brgy. Cembo. 

Pauwi na umano ang biktima lulan ng kanyang kotse nang salpukin ng rumaragasang trak nang magkasalubungan sa isang blind corner malapit sa ilalim ng Guadalupe Bridge.

Show comments