MANILA, Philippines - “Dagdagan, palagiang mangumpisal at magsisi ng mga nagawang kasalanan upang higit na mapalapit sa Panginoonâ€
Ito ang naging homily ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villagas sa ika-8 anibersaryo ng kamatayan ni dating Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin, nagdaos ng banal na misa noong Biyernes sa crypt sa ilalim ng Manila Cathedral kung saan ito nakalibing ang dating Cardinal.
Si Villegas, vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na itinuturing na protégé at confidante ng yumaong cardinal, ay inihalimbawa ang pagtanggap ng sacrament of penance o pagkumpisal ni Sin minsan kada dalawang linggo o minsan sa isang linggo, ay mahalaga dahil dito nagaganap ang new evangelization.
“The first step to knoÂwing God is recognizing God that he is God, that we are sinners and we are in need of His mercy.†Anang Obispo.
Alinsunod sa batas ng Simbahan, ang mga Katoliko ay may obligasyong tapat na ikumpisal ang kanilang mga seryosong kasalanan minsan isang taon.
Ginawang halimbawa ni Villegas na ang minsan isang taon lamang na pangungumÂpisal o paghingi ng tawad sa Diyos ay kahalintulad ng pagpapalit ng medyas ng minsan isang taon lamang.