^

Police Metro

Pekeng trabaho sa Canada inaalok… OFWs sa HK binalaan ng POEA

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binalaan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa HongKong laban sa mga recruiter na nag-aalok sa kanila ng tra­baho sa Canada.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, ang mga trabaho sa Canada na iniaalok ng Yamsuan and Associates Overseas Employment Services Ltd./Pacific Ma­nagement Services Ltd., ay peke o ‘non-existent.’

Ang babala ng POEA ay kasunod ng report na natanggap nila mula sa Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa Yam­suan and Associates na pagmamay-ari at inu-operate ng Pinoy na nakilalang si Mr. Yamsuan at ang mga staff nito ay pawang mga Pinoy din.

Sinasabing ang natu­rang recruiter ay mayroong Hong­Kong address sa 9th Floor, 4-6 Morrison Hill Road, Wanchai at nagpapaskil ng mga ads sa mga English newspapers sa Hong Kong. Partikular na tinatarget ang mga Household Service Wor­kers (HSWs) para sa mga  trabaho sa Canada.

Sa ngayon, anang OUMWA ay may 44 katao na umano’y nabiktima ng Yamsuan and Associates ang naghain ng reklamo sa Philippine Consulate Ge­neral sa HongKong.

Sa reklamo ng mga complainants, pinagbayad umano sila ni Yamsuan ng placement fees ng mula sa US$100 hanggang US$300 kapalit ng trabaho sa Ca­nada.

Nang hindi mag-materialize ang ipinangakong trabaho sa kanila, sumugod ang mga aplikante sa tanggapan ni Yamsuan ngunit bakante na ito at non-ope­rational.

Pinayuhan din ni Cacdac ang mga aplikante na maging mas vigilante at pag-aralang mabuti ang gi­nagawang pakikipag-deal sa mga recruitment firms.

ADMINISTRATOR HANS LEO CACDAC

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HONG KONG

HOUSEHOLD SERVICE WOR

MIGRANT WORKERS

MORRISON HILL ROAD

MR. YAMSUAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with