Totoy naligo sa ulan, sapul ng kidlat

MANILA, Philippines - Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 12-anyos na batang lalaki nang ito ay tamaan ng kidlat habang naliligo sa ulan kamakalawa sa Brgy. Sta. Isabel, Kawit, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Jordan Juralbar, estudyante residente ng Sitio Pugadibon, Brgy. Sta.Isabel, Kawit, Cavite.

Sa imbestigasyon ganap na alas-12:00 ng tanghali habang kalakasan ng ulan ay masayang naliligo ang biktima kasama ang mga kaibigan nito.

Ilang sandali ay biglang kumulog at kasunod nito ay kumidlat na tumama sa biktima na tila parang nakuryente dahil sa pagkasunog ng katawan.

 

Show comments