3 kidnaper dedo sa engkuwentro
MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng notorious na kidnapping groups na Ozamis-Waray-waray ang nasawi sa pakikipagbarilan sa mga pulis matapos na masita sa isang checkpoint kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Nakilala ang dalawa sa mga nasawi sa pamamagitan ng nakuhang identification cards sina Rey Ebondias, 25, ng 219 Int. 6 Segundo St., TS Cruz, Baesa, Quezon City; Adan Surio, 37, ng Tigbao, Libangon Southern Leyte at isang hindi nakikilalang suspek na isinalarawan sa pagitan ng edad na 30-35, may taas na 5’3â€, matipuno ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at kulay brown na short pants.
Sa imbestigasyon, dakong ala-1:41 ng madaling-araw nang mangyari ang engkuwentro sa may harapan ng Neopolitan Business Park (Sta. Lucia Realty and Development Incorporated) na matatagpuan sa kahabaan ng Mindanao Avenue Extension, Brgy. Greater Lagro.
Bago nito, nagsasagawa ng checkpoint ang tropa ng District Police Safety Batallion ng QCPD sa kahabaan ng Mindanao Avenue kanto ng Regalado St., patungong SM Fairview nang maispatan ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo na pawang mga walang plaka at walang helmet kung kaya pinatigil.
Sa halip na sumunod ay pinasibat ng mga suspek ang kanilang motorsiklo kaya’t hinabol sila hanggang sa makorner sa nasabing lugar at sa halip na sumuko ay binaril ang mga pulis na gumanti naman at napatay ang mga suspek.
- Latest