^

Police Metro

Drilon hindi pa tiyak sa Senate Presidency – Marcos

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa anya dapat magsiguro si Senator Franklin Drilon na siya na ang uupong Senate President sa pagbubukas ng 16th Congress sa Hunyo 22.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na miyembro ng Nacionalista Party (NP) kahit pa ipinagmalaki ni Drilon na nagkasundo na ang Liberal Party at ang NP na maglagay ng iisang panlaban para maging susunod na Senate President.

“ Today is the 20th, the SONA is on the 22nd of next month, so we have more than a month. So hindi pa nakataga sa bato kung anong mangyayari sa 22nd. Marami pang usapan, there are negotiations, discussions at every level, at the party level, party to party, individual level, senators to other senators,” sabi ni Marcos.

Bagaman si Drilon umano ang lumalabas na “frontrunner” sa Senate Presidency marami pa ring maaring mangyari lalo pa’t halos lahat ay may kanya-kanyang plano sa pagpasok ng 16th Congress.

Mali aniya na kategoryang sabihin na si Drilon na ang susunod na lider ng Senado dahil sa tuwing nagkakaroon ng usapan ay nagkakaron din ng pagbabago sa desisyon ang mga senador.

BAGAMAN

BONGBONG

DRILON

LIBERAL PARTY

MARCOS JR.

NACIONALISTA PARTY

SENATE PRESIDENCY

SENATE PRESIDENT

SENATOR FERDINAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with