MANILA, Philippines - Magsasagawa ng joint military exercises ang Philippine Navy at Estados Unidos malapit sa pinagtatalunang teritoryo sa bahagi ng karagatan Panatag Shoal o ScarboÂrough Shoal sa Zambales.
Ito ay upang mapalaÂkas pa ang kapabilidad ng depensa ng militar sa naval operations sa gitna na rin ng tumitinding kaÂpaÂngahasan ng China matapos na panatilihin nito ang kanilang military ships nito sa Scarborough Shoal simula ng maganap ang standoff sa lugar noong nakalipas na taon.
Samantala, binakuran na rin ng China ang Scarborough Shoal ng boya-boya para sa mga mangiÂngisda nitong Intsik na nagsasagawa ng intrusyon sa lugar at nagtataboy naman sa mangingisdang Pinoy.
Ang Scarborough Shoal ay nasa distansÂyang 124 nawtikal na milya ang layo sa Masinloc, ZamÂbales na nasasaklaw ng 200 milyang Economic Exclusive Zone (EEZ) ng bansa.
Sinabi ni Navy SpoÂkesman Lt. Commander Gregory Gerald Fabic ang Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) exercises ay isasagawa ng PH at US Navy na simula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2. Ang opening ceremony ay isasagawa sa Subic Bay, Zambales para sa nasabing war games.