Barko nahati: 14 Pinoy nasagip

MANILA, Philippines -Nasagip ang may 14 tripulanteng Pinoy na kabilang sa mga crew na nasagip ng Indian Coast Guard matapos na mahati sa dalawa ang kanilang sinasakyang cargo vessel habang naglalayag sa karagatan sa pagitan ng India at Yemen.

Batay sa ulat na natanggap ng  Department of Foreign Affairs (DFA), ang Singapore-bound merchant vessel na MV Mol Comfort na nagmula sa Jeddah, Saudi Arabia ay nahati sa gitna noong Lunes at nai­ligtas ang lahat ng crew nito na 14 Pinoy at 12 Russians.

Base sa unang ulat ng The Indian Express, ang MV Mol Comfort na may 316 metrong haba ay nag­lalaman ng 4,500 contai­ners mula Saudi at habang naglalayag may 840 nautical miles o 1,557 kilometro ang layo sa Mumbai coast nang biglang mahati ang nasabing barko sa hindi pa malamang kadahilanan.

Show comments