Misis dedo, mister na kano sugatan sa ambush

MANILA, Philippines -Namatay noon din ang isang 43-anyos na ginang habang sugatan naman ang mister nitong Amerikano matapos na pagbabarilin ang kanilang sinasakyan ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Laoag City, Ilocos Norte.

Ang nasawi ay kinila­lang si Carla Jukylani Ma­chado, na nagtamo ng mga tama ng bala sa kaniyang katawan  habang nasugatan naman ang mister nitong si Aeron Machado at masu­werteng hindi tinamaan ang 11-anyos nilang anak na Grade V pupil sa Northwestern University ng lungsod pawang mga US citizen na taga Hawaii at residente na ng Brgy. 38 B Mangato sa lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi lulan ang pamilya Machado ng kanilang kotse na buma­bagtas sa Brgy. 38B Mangato nang bigla na lamang silang pinagbabaril kung saan napuruhan sa insidente ang ginang na siya nitong ikinamatay.

Narekober naman ng mga nagrespondeng ope­ratiba ng pulisya ang sampung basyo ng cal .45 pistol at isang cartridge ng nasabing armas sa crime scene.

 

Show comments