MANILA, Philippines -Pinagdiskitahang sakÂsakin ng isang ina ang kanyang 11 buwang sanggol na lalaki habang nag-aaway sila ng kanyang ka-live in kamakalawa ng gabi sa Baguio City.
Ang sanggol na nasa kritikal na kalagayan sa Baguio General Hospital and Medical Center ay tinukoy sa palayaw na Baby Boy Refugia na nagtamo ng mga saksak sa katawan.
Ang suspek na kinaÂsuhan ay kinilalang si Jona Cris Refugia, 18-anyos, residente ng No. 25 San Luis Extension, Brgy. San Luis ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa bahay ni Refugia at ng live-in partner nitong si John Soliven.
Lumalabas sa ulat, na bago ang insidente ay nakipag-inuman sina Soliven at Refugia sa kanilang mga kabarkada at nang kapwa malasing ay nag-away ang mga ito sa hindi pa malamang kadahilanan.
Tuloy pa rin ang sigawan at pag-aaway ng daÂlawa sa kanilang kuwarto nang biglang kumuha ng kutsilyo ang babae at pinagdiskitahan na pagsaÂsaksakin ang natutulog nitong sanggol at ilang saglit ay bigla itong natulala sa kaniyang ginawa.
Mabilis namang isinugod ni Soliven sa pagamutan ang anak kasunod ang nahimasmasan nitong ina.
Ang suspek ay nakaÂkuÂlong na at nakatakdang sampahan ng kaso.