Binatilyo inutas ng dating kaibigan

MANILA, Philippines -Marahil hindi nagustu­han ng isang 16-anyos na binatilyo ang payo ng dating kaibigan na 17-anyos na binatilyo na tigilan ang pag­­tuturo sa mga bata na su­ming­hot ng solvent kung kaya’t sinaksak ito kama­kalawa ng gabi sa Sta. Ana, Maynila.  Ang biktima na namatay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ay nakilalang si Regino Gardon, ng Sam­paguita St., Bulkan, Sta.Ana, Maynila sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

Ang suspek na tumakas ay nakilala sa alyas na “Ku­lot”, residente ng Water Lily St., Bulkan, Sta. Ana, May­nila.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa Posadas St., Sta. Ana, Maynila nang magkrus ng landas ang da­ting magkaibigan.

Show comments