^

Police Metro

P300-P400 mandatory drug test tanggal na

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines -Tinanggal na sa batas ang mandatory drug test na nagkakahalaga ng P300-P400 para sa mga kukuha o magre-renew ng driver’s license.

Ito ang ipinaalala kahapon ni Senator Vicente “Tito” Sotto III sa pamu­nuan ng Land Transportation Office (LTO) dahil ang pagtanggal sa mandatory drug testing sa pagkuha ng driver’s license ay nakapaloob sa Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Dri­ving Act of 2013, kaya’t hindi maa­ring igiiit ng LTO na hindi nila susundin ang batas.

“I’m very glad by the way that the President signed into law the anti-drug and alcohol because that removes the P300-P400 drug testing in secu­ring a license. Wala na yon. Sabi ng LTO ipipilit daw nila. Anong ipipilit nila. Wala na sa batas, inalis na,” sabi ni Sotto.

Sa bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III kama­kailan, ang sasaila­lim na lamang sa drug test ay ang mga drivers na nasang­kot sa aksidente o pinaghihi­nalaang lasing o nakaga­mit ng ilegal na droga.

Inihayag pa ni Sotto na nang ipasa nila ang batas tungkol sa dangerous drugs kinontra niya ang probisyon tungkol sa mandatory drug testing bago makakuha ng lisensiya dahil hindi naman ito makakatulong sa pagsugpo sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot at posibleng magamit pa para pagkakitaan ang mga drivers.

Ipinaliwanag pa ni Sotto na hindi naman “conclusive” pag nagpositibo sa droga ang isang nagpa-drug test dahil posibleng nagpositibo lamang ito matapos ang ilang araw na pag-inom ng gamot para sa ubo o sipon.

Napatunayan na rin umano na hindi epektibo ang mandatory drug tes­ting sa mga kumukuha ng lisensiya dahil mula 2002 hanggang 2007 o limang taon lumabas na 0.06 porsiyento lamang ang nag-positibo sa droga.

ANONG

DRUG

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PANGULONG BENIGNO AQUINO

REPUBLIC ACT

SENATOR VICENTE

SHY

SOTTO

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with