MANILA, Philippines -Tatlong pinaghihinalaang big time Chinese drug trafÂficÂker ang nadakip sa isiÂnagawang serye ng opeÂrasyon sa Maynila at Cavite ng mga operatiba ng PNP-Anti Illegal Drugs Special OpeÂrations Task Force (PNP-AIDSOTF) kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay PNP-AIDSOTF Legal Officer at SpoÂkesman Chief InsÂpector Roque Merdegia Jr., aabot sa 37 kilo ng methamphetamine hydroÂchloride (shabu) na nagkakahalaga ng P185-M ang nasamsam mula sa mga suspek.
Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang unang magsagawa ng buy bust operations ang mga operatiba ng PNP-AIDÂSOTF sa Muelle de Binondo sa lungsod ng Maynila na kung saan ay nasakote ang mga suspek na sina Tai Chun Yuan alyas Mr. Chua at Yang Mou Yuan alyas Yeng habang nakatakas si Shu Jian Ye.
Nasamsam mula sa behikulo ng mga suspek ang dalawang kilo ng shabu habang karagdagan pang 15 kilo ng shabu ay nasamsam naman sa condominium unit ni Yeng sa nasabing lugar.
Nasakote naman sa follow-up operation si Ye sa Trece Martires City, Cavite ang isa pang suspek na si Shu Jian Ye kahapon ng madaÂling-araw.
Nasamsam naman mula sa pag-iingat ng susÂpek ang 20 pang kilo ng shabu.
Malaki ang hinala ng mga otoridad may malaÂking laboratoryo ng shabu ang sindikato ng droga sa bansa na kinabibilangan ng mga suspek.