^

Police Metro

Presyo sa petrolyo muling lumarga

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Muling nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang mga kum­panya ng langis kahapon ng umaga na ika-anim na sunod buhat nitong buwan ng Mayo.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang sabay-sabay na magtaas ang mga kumpanyang Pi­lipinas Shell, Petron Cor­poration, Chevron Phi­lip­pines, Seaoil Cor­po­ration, Phoenix Petro­leum, Flying V, PTT at Total Phi­lippines.

Nagtaas ang mga ito ng P1.45 kada litro sa presyo ng diesel na gamit ng mga pampublikong sasakyan at P1.05 naman sa presyo ng premium at unleaded gasoline at P1.30 kada litro sa kerosene.

Patuloy na ikinatwiran ng mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis ang mataas na presyo ng inaangkat nilang krudo lalo na ang Singaporean finished products kaya mataas rin ang pagbebenta nila sa bansa dagdag pa ang pagbulusok ng halaga ng piso kontra dolyar.

BATAY

CHEVRON PHI

FLYING V

PETRON COR

PHOENIX PETRO

SEAOIL COR

SHY

TOTAL PHI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with