MANILA, Philippines -Sinalpok ng isang motorsiklo ang tatlong katao na tumatawid na ikinasawi ng dalawa kabilang ang isang 6-anyos na batang babae naganap kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Aguinaldo, Highway, Brgy. Panapaan, Bacoor City, Cavite.
Ang mga nasawi ay kiÂnilalang sina Ezra Jeniah Sayson, 6-anyos, residente ng Blk. 5, Lot 3 Lessandra 2 Subd., Brgy. Salinas 1, Bacoor City at Jerramae Ygot, nasa hustong gulang residente ng Tayuman MaÂnila, habang kritikal ang isa pang biktima na nakilalang si Cherry Anne Garces, dalaga sales clerk at kapitbahay ni Sayson.
Naaresto naman ang driver ng motorsiklo na si Eugene Garcia, 25, binata, messenger residente ng BF Homes, Parañaque City.
Sa ulat, ganap na alas-7:30 ng gabi ay magkakasabay na tumatawid ang mga biktima sa nasabing highway nang hindi umano nila napansin ang mabilis na pagdating ng motorsiklo (8424-UX) ng suspek.
Hindi na naiwasan ng suspek ang mga tumatawid na biktima at nasalpok niya ang mga ito.