MANILA, Philippines -Isang bangkay ng baÂgong libing na sanggol na babae ang natuklasang ninakaw sa loob ng nitso kamakalawa sa isang sementeryo sa Santiago City, Isabela.
Ayon kay Isabela ProÂvincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Franklin Mabanag, dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga magulang ng sanggol na si Monaliza na sina Annaliza at Eduardo Gamboa at inireport ang pagkawala ng kanilang anak sa nitso nito.
Si Monaliza, isang taon at siyam na buwang gulang na sanggol ay naÂtuklasang nawawala sa nitso nito na nilapastangan kamakalawa dalawang araw matapos itong iliÂbing.
Ang sanggol ay nasaÂwi sanhi ng sakit nito sa puso bagay na hirap pa ring matanggap ng mga magulang nito na muling dumalaw sa puntod ng anak at nadiskubre ang pangyayari.
Nang magsagawa ng follow-up operation kahapon ng, alas-7:10 ng umaga ay natagpuan ng isang Jalil Matabalao, 20 ng Brgy. Rosario, Santiago City ang bangkay ng sanggol sa isang nakabukas na nitso sa sementeryo ng lungsod.
Ang nakabukas na nitso na pinaglipatan sa bangÂkay ng sanggol ay pag-aari ng pamilya Ruiz na nagtungo sa lugar upang tingnan ang semenÂteryo para paglibiÂngan sa kanilang nasawing kamag-anak.
Positibo namang kinilala ng mga magulang ng sanggol ang bangkay nito na ang nawawala nilang anak na hindi pa naman naagnas.