MANILA, Philippines - Pinagbabaril habang sakay ng kanyang motorsiklo ang isang aktibong pulis ng mga hindi pa kilaÂlang suspek sa naganap na ambush sa kahabaan ng Brgy. Aguada, Isabela City, Basilan.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa osÂpital ay nakilalang si PO2 Henry Noel Hidalgo, miÂyembro ng Intelligence Unit ng Isabela City Police at residenteng lugar.
Batay sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi ay lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklong XRM Honda pauwi na sa kanilang bahay nang harangin at paulanan ng bala ng tatlong armadong lalaki sa kahabaan ng P. Pardo Avenue, Brgy. Aguada ng lungsod at duguang tumilaÂpon sa kanyang motor.
Nang nakabulagta na ang biktima ay tinangay ng mga suspek ang baril na isang cal.45 pistol at nagsitakas sa crime scene.
Iniimbestigahan ng mga otoridad ang anggulo ng agaw-armas ang insidente at hindi rin inaalis ang posibilidad na kagagawan ng mga bandidong Abu Sayyaf.