MANILA, Philippines - Arestado ang limang security guard na pawang empleyado ng Golden Summit Security Agency at nakatalaga sa FF Cruz Construction Company matapos na pagnakawan ng mga tanso ang binabantayan nilang warehouse sa Barangay Ugong, Pasig City, kahapon ng madaling-araw.
Ang mga dinakip ay kinilalang sina PJ BaliÂdo, 20, ng Parola Compound Tondo Maynila; Ric Lopes, 36; Joel Lopez 21; Jerry Donato, at Rex
Apostol, 29, pawang mga residente ng Barangay Inarawan, Antipolo City.
Batay sa ulat dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang umaÂno’y ilabas ng mga guÂÂwarÂdiya ang kiÂlu-kilong tanso mula sa kanilang binaÂbantayang warehouse.
Tinangka pa umano ng mga suspek na kumbinsihin ang kapwa nila guwardiya na naka-duty na si Raffy Porto upang sumama sa kanilang magnakaw ngunit tumanggi ito.
Subalit, itinuloy pa umano ng mga suspek ang pagnanakaw kaya’t naÂpilitan si Porto na magsumbong sa kanilang OpeÂrations ManaÂger kinaÂumagahan, saka nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report ang insidente at naaresto ang mga suspek.