Dating opisyal ng DENR patay, 1 kritikal sa ambush
MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang dating opisÂyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Zamboanga Sibugay habang kritikal naman ang isa pa nang pagbaÂbarilin ng dalawang laÂlaki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Magdaup, Ipil ng lalawigan.
Ang nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rodolfo Balagot, 55, ng Brgy. Andres, Ipil.
Nasa kritikal namang lagay sa Sibud Hospital ang kasamang si Joel CaÂnales.
Sa ulat, bandang alas-11:00 ng tanghali ay magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima patungo sa Palid Wharf nang harangin ng mga suspek na magkaangkas din motorsiklo sa Sitio Palid, Brgy. Magdaup at pagbabarilin.
Patuloy pang inaalam ang motibo ng krimen.
- Latest