3 PO1 na kotongero kinasuhan na

Iprinisinta kahapon sa media ang tatlong bagitong pulis (naka-inset) na sina PO1s Ryan Parungo, Rommel Biag at Dennis Maagda, miyembro ng QCPD-Station 9 Anonas Mobile Patrol Division at  police  asset na si John Dominic Laudio alyas Police  Ins­pector Marlon Panal (nasa kaliwang larawan) na sinampahan ng kaso dahil sa pangongotong sa isang sales agent kamakailan sa isang fastfood chain sa Quezon City. – Boy Santos –

MANILA, Philippines - Kasong robbery extortion ang isinampa ng isang sales agent na si Re­nato Bautista, 28, bi­nata, sales agent ng PLDT laban sa tatlong pulis Quezon City na kinila­lang sina PO1s Ryan Parungo, Rommel Biag at Dennis Maagda, pawang miyembro ng Quezon City Police District-Station 9 Anonas Mobile patrol division at isang police asset na si John Dominic Laudio alyas Police Inspector Mar­lon Panal.

Nag-ugat ang kaso matapos arestuhin ng mga pulis si Bautista dahil umano sa kasong paglabag sa droga at public scandal sa tapat ng isang establisment sa Commonwealth Avenue, Diliman, QC nitong nakalipas na Miyerkules Hunyo 12, 2013 dakong alas-9:00 ng gabi at hinihingian ng P25,000 para sa  kala­yaan nito.

Walang dalang pera at walang laman ang 3 bank account nito sa ATM.

Hanggang sa utusan ang biktima na mangu­tang ng halagang P10,000 sa kanyang mga kaibigan sa  Cavite para sa kanyang kalayaan at nitong nakali­pas na Hunyo 13, 2013 da­kong-1:00 ng mada­ling-araw ay isinagawa ng entrapment operation at nadakip ang mga suspek.

Show comments