QC handa na sa kalamidad
MANILA, Philippines - Inatasan na ni QC MaÂyor Herber Bautista si Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Ret. Gen. Elmo DG. SanÂdiego na ihanda na ang lahat ng disaster at rescue teams gayundin ang mga kagamitan upang mapunan ang anumang emergency sa mga lugar na binabaha ngayong panahon ng tag-ulan.
Upang makatugon ng maayos sa anumang sakuna ngayong tag-ulan, ang disaster control division (DCD) ng DPOS ay nagsaÂgawa ng kaukulang trainings at skills enhancement programs sa mga tauhan para epektibong makatutugon sa mga distressed residents na dapat mailagak sa ligtas na lugar.
Bukod dito ay mayroon ding mga dagdag na mga durable at crack-resistant rescue boats na magagamit para mailikas ang mga taga-QC na apektado ng pagbaha.
Mamamahagi rin ang local na pamahalaan ng 20 fiberglass rescue boats sa ilang mga barangay na palagiang binabaha tuwing tag-ulan tulad ng barangays Tatalon, Sto. Domingo, DaÂmayang Lagi at iba pa.
- Latest