Pulis-QC arestado sa shabu

MANILA, Philippines - Isang pulis-QC ang nadakip ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isi­nagawang search warrant sa bahay nito.

Ang suspek ay kinila­lang si PO3 Nestor Del Rosario, 53, nakatalaga sa Camp General Tomas Ka­ringal sa Quezon City.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang ikinasa ng PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES) sa ilalim ni  Director Laurefel Gabales at  PDEA Intelligence and Investigation Service (PDEA IIS) ang isang search warrant na inilabas ni Hon. Fernando T. Sagun Jr. ng Branch 78, Regional Trial Court sa Quezon City sa bahay ng suspek sa No. 247 Samonte Street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nang salakayin ang bahay ay nakuha sa pag-iingat ni PO3 Del Rosario ang 11 plastic sachets ng shabu, isang kalibre 9mm pistol; isang magazine; 13 bala ng baril at aluminum foil strips.

Ayon sa PDEA si  PO3 Del Rosario ay kilalang tulak umano ng shabu sa Sa­monte Street, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Show comments