MANILA, Philippines - Matatanggalan ng lisensiya kung hindi ititiÂgil ng mga recruiters ang pangongolekta ng placement fees mula sa mga household service workers (HSWs) applicants.
Ito ang naging babala ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Hans Leo Cacdac sa mga recruiter kasunod ng direktiba ni Labor Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz na obserbahan ang reform package ng mga recruiters para sa mga Filipino HSWs.
Ayon kay Cacdac, mayroong total prohibition sa charging ng placement fees mula sa mga Filipino HSWs, kahit pa isagawa ito bago ang kanilang pag-alis o kahit pa on-site salary deduction lamang, alinsunod na rin sa POEA Governing Board Resolution No. 6, Series of 2006.
Binalaan din niya ang mga recruiters na nagsasabing no-plaÂcement fee policy pero binabawi naman sa labis-labis na pangongolekta tulad ng medical examination, training, video bio-data, at pre-departure orienÂtation seminar.
Ang paglabag sa prohibition sa placement fee collection ay ikinukonsiÂderang isang grave offenÂse at may katapat na parusang kanselasyon ng liÂsensya.
Iginiit ng administrator na batay sa regulasyon ng karamihang host country, ang mga employer ang magÂbabayad ng service fee upang balikatin ang lahat ng cost of hiring at deployment ng HSWs.