MANILA, Philippines - Sa mismong harapan ng simbahan pinagbabaril ng nakamotorsiklong suspek ang isang 34-anyos na lalaki na naganap kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Trento, Agusan del Sur.
Ang biktima ay nakiÂlalang si Anastacio Espiel, nakatira sa Brgy. Sta. Maria ng naturang bayan.
Base sa imbestigasÂyon, bandang alas- 6:30 ng umaga habang nakatayo sa harapan ng isang simbahang Katoliko ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na magkaangkas sa kulay pulang motorsiklong Honda TMX na hindi nakuha ang plaka at pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Sitio IsaÂdaon, Trento ng lalawigang ito.
Narekober sa crime scene ng pulisya ang tatlong cartridge na pinagÂlagÂyan ng mga bala.