MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng ilang araw na pagbuhos ng maÂlakas na ulan ay masusing binabantayan at minomoÂnitor ng pamunuan ng Rescue 161 ang Marikina River dahil sa posibleng magpataas sa antas ng tubig sa nasabing ilog.
Ayon kay Marikina Rescue 161 Head Ronald Mejia, umabot ng 14-metro ang taas ng tubig o isang metro na lamang bago ang hudyat ng unang alarma.
Sinabi ni Mejia, agad naman bumaba ang lebel ng tubig sa Marikina RiÂver, subalit nananatiling naÂkaalerto ang kanyang mga tauhan at masuÂsing binabantayan ang nasabing ilog bunsod na rin ng halos araw-araw na nararanasang malalakas na pag-ulan lalo na sa hapon at gabi.
Nakahanda na rin ang tatlong bagong speed boat ng Marikina Rescue Team, na kanilang gagamitin kung sakaling tumaas ang tubig sa ilog at kailangan na mayroong ilikas na reÂsidente.