^

Police Metro

Ilog ng marikina minomonitor

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng ilang araw na pagbuhos ng ma­lakas na ulan ay masusing binabantayan at minomo­nitor ng pamunuan ng Rescue 161 ang Marikina River dahil sa posibleng magpataas sa antas ng tubig sa nasabing ilog.

Ayon kay Marikina Rescue 161 Head Ronald Mejia, umabot ng 14-metro ang taas ng tubig o isang metro na lamang bago ang hudyat ng unang alarma.

Sinabi ni Mejia,  agad naman bumaba ang lebel ng tubig sa Marikina Ri­ver, subalit nananatiling na­kaalerto ang kanyang mga tauhan at masu­sing binabantayan ang nasabing ilog bunsod na rin ng halos araw-araw na nararanasang malalakas na pag-ulan lalo na sa hapon at gabi.

Nakahanda na rin ang tatlong bagong speed boat ng Marikina Rescue Team, na kanilang gagamitin kung sakaling tumaas ang tubig sa ilog at kailangan na mayroong ilikas na re­sidente.

AYON

BUNSOD

HEAD RONALD MEJIA

MARIKINA RESCUE

MARIKINA RESCUE TEAM

MARIKINA RI

MARIKINA RIVER

MEJIA

NAKAHANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with