2 sasakyan nagsalpukan: 9 sugatan

MANILA, Philippines - Sa ospital bumagsak ang 9 katao nang aksidenteng sumalpok ang isang pampasaherong van sa kasalubong na sasakyan sa kahabaan ng KM 56, Brgy. Cattubo, Ato, Benguet kamakalawa ng hapon.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Marce­lino Lesino, 60, may-ari ng pampasaherong van; Rebecca Luis, 60; Dina Dulawon, 71; Josie Nonan, 39; Rudel Kimayong, 59; Leandro Codiat, 34; Jhzelle Nonan, 9; Virginia Pasian, 64  at Leo Bagowan, 32-anyos; driver ng jitney Mazda.

Sa ulat, ni Cordillera Police Spokesman Supt. Davy Vicente Limmong, bandang alas-3:00 ng hapon nang magbangga­an ang passenger van (AYT 544) na minamaneho ni Marcelino Lesino, 60-an­yos at kasalubong nitong pribadong jitney Mazda na walang plaka sa nasabing lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon na sinakop umano ng jitney Mazda ang north lane habang patungo ito sa Mountain Province na biglang nag-U turn bunsod upang makabanggaan ang paparating na pampasahe­rong van na biyaheng Baguio City.

Sa lakas ng banggaan ay nasugatan ang pitong pasahero ng van at driver nito habang sugatan din ang driver ng behikulong naka­salpukan nito at isa pang bik­tima.

Show comments