MANILA, Philippines - Tatlong pulis na may ranggong PO1 mula sa Quezon City Police District at kasabwat na sibilyan na nagpapanggap rin na pulis ang inaresto sa isinagaÂwang entrapment operation matapos kotoÂngan ang isang sales agent.
Ang mga suspek ay kinilalang sina PO1s Ryan Parungo; Ronnel Biag; at Dennis Maagda; pawang mga nakatalaga sa Police Station 9 ng QCPD at sibilyan na si John Dominic Laudio na nagpakilalang si PO1 Panal.
Ang mga naturang pulis ay naaresto sa isang entrapment operation ng tropa ng CIDU sa pamumuno ni Chief Insp. Allan Dela Cruz, at mga opeÂratiba ng Police Station 2, dakong alas-11:00 ng gabi sa may parking area ng Jolibee-Philcoa, Brgy. San Vicente, Quezon City noong Hunyo 12.
Sa salaysay ng biktima na si Renato Bautista, 29, binata, sales agent ng Rosario, Cavite na isang alyas Renz ang nakipag-kaibigan sa kanya habang nasa loob ng SM North Edsa, ganap na alas-9:00 ng gabi noong Hunyo 12 at pagkatapos ay nagtungo sila sa may Jollibee Philcoa, para mag-miryenda.
Makaraang kumain ay nagpasya ang biktima at Renz na umalis ng foodchain at dito ay nilapitan sila ng mga suspek at inaÂresto dahil sa pagdadala umano ng iligal na droga at alarm scandal.
Isinakay ang biktima sa mobile patrol car at habang nasa loob ay humingi umano si PO1 Parungo sa biktima ng halagang P25,000 kapalit ng kanyang kalayaan.
Bukod pa dito ay inutusan ni PO1 Parungo ang biktima na mag-withdraw sa ATM ng East West Bank at Metrobank, pero walang nakuha.
Inutusan na lang ni PO1 Parungo ang biktima na kontakin ang kanyang mga kaibigan at humiram ng perang P10,000 para pakawalan na siya.
Sinamahan ng mga pulis ang biktima sa kanyang kaibigang nakatira sa Victoria Tower sa Timog Avenue, Quezon City kung saan pinaalalayan pa kay Laudio, pero hindi nila nakontak ang nasabing kaibigan.
Dahil walang nangyari, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw ay nakiusap na ang biktima sa mga suspek na umuwi na lang sa Cavite para makakuha siya ng peÂrang hinihingi ng mga ito. Pumayag naman ang mga pulis pero ipinaiwan ng mga ito sa biktima ang kanyang relo, dalawang cell phone, at dalawang ATM cards saka isang Samsung cell phone, ID company at cash na halagang P800.00.
Nangako din ang biktima na kapag nakakuha na nang pera ay agad na ite-text si Laudio para kunin ang balanse at ibabalik ang kanyang mga gamit.
Nang makakuha ang biktima ng halagang P5,000 ay agad niyang tinext si Laudio kung saan nagsabi ang huli na kukunin niya ang pera sa may McDonald sa Quezon Avenue.
Subalit, nagpasya ang biktima na dumulog sa tanggapan ng Masambong Police Station 2 para humingi ng tulong na kung saan ay kumilos ang tropa sa pamumuno ni Supt. Pedro Sachez at tinungo ang nasabing lugar kung saan nadakip si Laudio at nabawi ang gamit ng biktima.
Sa pagsisiyasat ay itinuro ni Laudio ang tatlong pulis sanhi upang magsagawa ng entrapment operation laban sa mga ito, at naaresto ang tatlong pulis sa loob ng mobile patrol car habang kinuha ang halagang P5,000 marked money mula sa biktima.
Lumalabas pa sa imÂbestigasyon na ang tatlong pulis ay may magkakaiba ang duty at nagsasama-sama lamang kapag may gagawing iligal na opeÂrasyon partikular kapag inabisuhan ng sibilyan na si Laudio.
Ang tatlong pulis at si Laudio ay kakasuhan ng robbery extortion bukod pa sa administrative case upang masibak sa trabaho ang tatlong pulis.