MANILA, Philippines - Patay ang 2-anyos na batang babae matapos itong mahagip at magulungan ng jeep kahapon ng umaga sa Valenzuela City. Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Nathalie Diolas, ng Northville 1, Barangay Bignay ng naturang lungsod.
Nasa custody naman ng pulisya ang tsuper ng jeep na si Arthuro Quicol, 42 at kalugar ng biktima.
Ayon sa report ng Valenzuela City Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar. Sinasabing pupulutin sana ng biktima ang walis sa kalsada nang parating ang jeep dahilan upang mahagip ang bata.
Pumailalim ang bata dahilan upang magulungan ito, at agaran nitong kamatayan at ang suspek naman ay sumuko sa mga pulis.