MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 16 anyos na estudyante matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga armadong salarin sa Brgy. Labakid, Jose Dalman , ZamÂboanga del Norte, kaÂmaÂkalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Darwin Gonom, binata at residente ng nasabing lugar, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO), naganap ang pamamaslang sa biktima bandang alas-8:00 ng gabi sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasÂyon, kasalukuyang naglaÂlakad ang biktima sa nasabing lugar pauwi sa kaniÂlang tahanan ng harangin at pagbabarilin ng mga arÂmadong lalaki .
Bago tuluyang tumaÂkas ay muling pinagbaÂbaril ng mga suspek ang biktima na nasawi noon din sa insidente sa dami ng mga tama ng bala na naglagos sa katawan nito.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng bala ng cal. 38 revolver. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy at mapanagot sa batas ang mga salarin.