^

Police Metro

Kalsada sa MM nalubog sa baha

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nalubog sa tubig baha ang makaling bahagi ng Metro Manila kahapon busod ng malakas na pag-ulan kahapon ng hapon.

Dahil dito ay tila hindi pa rin sapat ang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga lokal na pamahalaan.

Sa post ng MMDA sa kanilang twitter account, dakong alas-3 pa lang ng hapon ay hindi na mada­a­nan ng mga sasakyan ang kahabaan ng España Ave­nue sa Maynila dahil sa lagpas tuhod na baha.

Halos umabot rin sa tuhod ang baha sa ilang parte ng Taft Avenue partikular sa may kanto ng Vito Cruz at Pedro Gil Street.

Binaha rin naman ang kahabaan ng President Diosdado Macapagal Ave­nue, Taft Avenue cor. EDSA, Buendia Avenue at sa FB Harrison Street sa Pasay City, sa Magallanes Avenue, Malugay Street sa Makati City, ayon sa MMDA.

Baha rin sa parte ng Rizal Avenue sa may Ca­loocan City kung saan ginagawa ang kalsada at tambak ang mga sidewalk vendors kaya halos walang madaanan ang mga sasakyan at straded ang napakaraming mga pasahero. Nagdulot din ng matinding pagbubuhol ng trapiko ang pagbabaha sa Kamaynilaan.

Una nang sinisi ng MMDA ang mga “informal settlers” na nakatira sa gilid ng mga estero at mga ilog sa Metro Manila na siyang dahilan umano ng tambak ng basura na halos hindi maubos-ubos ng kanilang mga tauhan na halos araw-araw umanong naglilinis sa mga daluyan ng tubig.

Ipinanukala ng MMDA ang malawakang “resettlement” sa mga informal settlers upang tuluyang malutas ang problema sa pagbabaha sa Metro Manila.

BUENDIA AVENUE

HARRISON STREET

MAGALLANES AVENUE

MAKATI CITY

MALUGAY STREET

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with