Cavite rape slay
MANILA, Philippines - Ginahasa at pinatay ang isang hindi pa nakiÂkilalang babae at ang bangkay nito ay itinapon sa putikan malapit sa simbahan ng Barangay San Rafael, Noveleta, Cavite kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 30-35, mahaba ang buhok, may maayos na pangangaÂtawan may taas na 4’1 naÂkasuot lamang ng kulay pulang t-shirt na may tatak na ‘Genaration X’, itim na bra at walang panty.
Sa imbestigasyon ni PO3 Allen Padilla may hawak ng kaso ganap na alas-4:00 ng hapon ng matagpuan ng mga resiÂdente ang biktima sa maputik na bahagi di kalayuan sa simbahan sa naÂsabing lugar.
May tama ng bala sa ulo ang biktima at may mga galos sa katawan na posibleng nanlaban ito sa hindi pa nakikilalang salarin.
Malaki rin ang paniniwala ng pulisya na ni-rape muna ang biktima bago tuÂluyang pinaslang.
- Latest